Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America/UK/Australia o kahit saang abroad ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano . Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.
Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America/UK/Australia maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America/UK/Australia .
Akala nila masarap ang buhay sa America/UK/Australia . Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila maghanap buhay pangbayad ng bills nila.
Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland , Seaworld, Six Flags, Universal Studios,Big Ben,Sydney Harbour at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad sa ticket.
Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar/pounds na sweldo mo. Ang totoo, malaki pag ipinalit mo ng peso, pero dolyar/pounds din ang gastos mo sa America/UK/Australia. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita, sa presyong dolyar mo din gagastusin,or if you earn in pounds-you also spend in pounds .Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas, $1.00 sa America,0.50p sa UK , ang isang pakete ng sigarilyo sa Pilipinas P40.00, sa America $ 6.50,sa UK £3.25, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++,sa UK £500 ang 1 bedroom pag nasa countryside ka, pag sa Central London £800++.
Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.
Madaming naghahangad na makarating sa America/UK/Australia . Lalo na mga nurses. Mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America/UK/Australia . Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.
Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.
Myspace Chistmas Graphics
Ikaw ba?? When ka ppunta here :(
1 week is good hehe cge na!! Ppunta u sana u lst year REMEMBER!!!
d2 cla mag cchristmas...
punta ka din!!!!
muzta na kuya!!?