|
NGITI!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
|
"tungkol sa akin? marahil ito na siguro ang pinaka mahirap na tanong na bumulaga sa akin ngayon araw.Wala din kasing..."
More about Ako'y isang
|
loading...
-
Schools (Other):
San Beda College Alabang at Unibersidad ng Santo Tomas
-
College/University:
University Of Santo Tomas, Attended 2004 - Present, Bachelor's Degree, Philosophy San Beda College - Alabang, Attended 1990 - 2004, Class of 2004, Other
-
Occupation:
isang taong nagbabagong sungay...
-
Affiliations:
Concilium Philosophae
-
Hobbies and Interests:
Tara..Dakmain natin ang mga pangarap natin!
-
Favorite Books:
sa usapang walang katuturan dyan ako mahilig!
-
Favorite Movies:
I not Stupid at saka Road to Home
-
Favorite Music:
Fly me to the moon at something stupid
-
Favorite TV Shows:
eat bulaga
-
Zodiac Sign:
Scorpio
-
About Me:
tungkol sa akin? marahil ito na siguro ang pinaka mahirap na tanong na bumulaga sa akin ngayon araw.Wala din kasing nagtatanong sakin noong mga nakaraang araw.
Isa lang siguro ang pinaka siguradong sagot sa katanungang ito. Hindi ako mabait at konkreto akong plastic.Hindi din ako nagsasabi ng totoo at marahil masasabi kong hindi ako tulad ninyo.
Isa na din siguro ang galit ko sa mga taong nanunugis ng katauhan. Mga mapagmatang mga salita na madaling mabali. mga katawagang niluluwa ng maduduming bungangang naglalway sa kasinungalingan. Marahil hindi ninyo maintindihan ang sinulat ko may panahon tayo upang pagusapan yan. Buong buhay ko na rin sigurong itinatatak sa aking pinantalang peklat ng kasabihan ang mga nanunuot na salita na pilit na iniluluwa ng aking mga putol na daliri ang kataungang iyan. Galit ako sa mga taong labas pero kabati ko ang mga taong bahay na handang pumiglas sa kanilang pinagpupugaran.
sa hinaba ng paging nilalang ko sa mundong ito kakaunti pa lang ang nalalaman ko sa aking buong pagkatao.Marahil masaabi kong masyadung maikli ang buhay ko para malaman ko ang buong nilalaman ng aking pagkatao.Ang sagarang pagiging isang ganap na tao. Maikli nga lang ang buhay ko pero mas maikli itong sinusulat ko.Kapirso lamang ito ng buong sistemang hindi matutularan na kahit sinuman at lagi ninyo ding pagkakatandaan ako ay isang konkretong plastik na handang kainin kayo ng buhay kahit pa matagalan kayo ng buhay.
Ubod din ako ng sungit. hindi kita ngingitian at hindi din kita ngingisian.lalaitin kita at sasampalin kita ng talikuran.Marahil iniisip ninyo ano kayang klase akong tao? hindi palakaibigan, hindi mabait, sinungaling at kung ano ano pa. Maari ninyong alamin maaring ninyo din akong pilipitin pero huwag ninyo akong laspatanganin kung hindi ikaw ay papansinin...
Ito lang muna sa ngayon ang aking masasabi sa aking sarili. Hindi ko naman siguro kayang isulat ang buo kong katauha sa kapirasong espasyo ng inyong monitor. Maari ngang baliwaliin ito ng nakararami at tingnan na lamang ang letrato nang kung sinong demonyo sa aking munting profile.
Minsan malabo talaga ang shout out ko..pagpasensiyahan mo na..kokonti lang ang nakakaintindi ng tunay kong nararamdaman..kokonti lang ang taong naiisip ang nasiisip ko..kokonti lang kasi ang alam ko..
Sa pagtuklas ko sa mundong puno ng kasabikan. hindi ko maiwasang magsinungaling at makipaglaro sa munting sagot na kayang ibigay ng sinasabi nilang kasamaan.
Salamat sa nagbasa at napaimahagi ko ang parte ng aking personalidad at pagkatao...Nagkaroon tayo ng munting kuminikasyon sa loob lamang ng apat na minuto.Kung nainis kayo o natuwa sa inyong nabasa huwag po kayong mahiyang magbigay ng mensahe sa akin. Ako ay inyong kaaway o maari ding kaibigan. Salamat!
"my shadow is the only one that walks beside me. my shallow heart is the only thing thats beating sometimes i wish someone out there would find me..."
-
Who I Want to Meet:
sino?
ang nilalang na nagpahanghang ng siling binudburan ko ng asukal na ibinalot ko sa laway na kasing lagkit ng natuyong pawis na pilit na dumidikit sa t-shirt kong itim...
ang nilalang na nagpapaasim sa mapait na buhay ng tao..
ang nilalang na nagbigay ng karikitan sayo sa akin at saknila...
ang nilalang na hindi kailanman makakapagsinungaling...
ang nilalang na hindi kailanman magkakasala...
ang nilalang na puno't dulo ng kasakiman mo ko at nila..
ang nilalang na hindi tulad mo..
ang nilalang na nagkatawang tao..
"til then i walk alone..."
---------------------
At oo nga..tayoy nabubuhay sa mundong ito sa isang ginintuang rason. naniniwala ako na bawat isa sa atin ay may mapaglalayagyan sa ating lipunan. isang pedestal na ating ikatatahimik. kapayapaan sa sarili upang maitigil ang maburak at mahina nating kaisipan para matuklasan ang ating sinasamsam-samsam. maari natin itong malaman sa pamamagitan ng isang libong anim na raan at labing limang paraan na kung saan kailangan nating isa isahin ito upang matuklasan at pitasin ang kaisaisang rason kung bakit tayo naandito sa mundong puno ng kababawan. sa tingin mo bay natingnan mo na ang lahat? naamoy mo ba ang kasarinlan sa kanikanilang kinalalagyan? nalasahan mo ba ang pait at tamis ng bawat paraan? kung sa tingin mo ay hindi mo pa ito nagagawa. ano ba ang pumipigil sayo para samsamin at lasapin at tanging rason ng pagkabuhay natin. Halina't tuklasin ang sarili sa pitongput ulit na kasabihan na inilalatag sa atin ng maykapal. Isang kasabihan na hindi natin malaman laman. Isang paraan na kung saan lahat ay namamaling tanaw. Tara na at maging isang ganap na taong puno ng pagasa at kasabikan. KUDOS!
|
 |
How you're connected:
| You |
 |
Ako'y isang is in your extended network |
 |
Ako'y isang |
Featured Sponsor
See results for Ako'y isang Pilyosuper
|
Myspace Happy Birthday Comments & Graphics