TALIBA


      "ATING BALIKAN ANG ATING PINAGMULAN BILANG ISANG DAKILANG LAHI. MAHALIN AT IPAGPUNYAGI ANG KATUTUBONG KALINANGAN NG LAHI ! MABUHAY ANG LAHING KAYUMANGGI!!! (http://taliba-city.myminicity.com)"

      "TALIBA NG BAYANG KAYUMANGGI (TALIBA) Isang Samahan ng mga mulat na mamamayan Kayumanggi.Mula sa iba't ibang Lipi o Tribu ng..."

      More about TALIBA

      Messaging Off Messaging Off[Restricted to TALIBA's friends]

      TALIBA's Photo Gallery

      Historical
      HATOL NG KORTE SUPREMA SA KASO NG AQUINO-GALMAN

      TALIBA's Treasure Chest

      TALIBA's Blogs

      loading...

      More About TALIBA

      • Schools (Other):

        Sinapupunan ng Bayang Kayumanggi

      • Occupation:

        Bantay ng bayan (taliba - guard; sentinel)

      • Affiliations:

        Lahing Kayumanggi

      • Hobbies and Interests:

        Humikayat ng kasapi; ipaglaban ang karapatan ng mga mamamayan ng Bayan Kayumanggi.

      • Favorite Books:

        Aklat tungkol sa kasaysayan ng Bayang Kayumanggi

      • Favorite Movies:

        Mga gawa ng Lahi

      • Favorite Music:

        Mga tugtugin ng Lahi

      • Favorite TV Shows:

        Mga gawa ng Lahi

      • About Me:

        TALIBA NG BAYANG KAYUMANGGI (TALIBA)

        Isang Samahan ng mga mulat na mamamayan Kayumanggi.Mula sa iba't ibang Lipi o Tribu ng Lahi.Mamayang may pagmamahal at pagpapahalaga sa mga ipinaglaban ng mga Bayani ng Lahi.May pagnanasang bumuo ng nagkakaisang Diwa ng Lahi (ideolohiya),na siyang bibigkis sa watak-watak na mamamayan ng Bansang Kayumanggi.Samahan ng mga Taliba (bantay ng bayan) na iwinawaksi ang anumang bahid ng koloniyalismo sa Bayang Kayumanggi.Mga mamamayan ayaw matawag na "Filipino", "Pilipino" o "Pinoy".Mga pangalan halaw sa pangalan ng Hari ng Espanya.Naniniwalang lahat ng bahid ng pangaalipin ng mga mananakop na dayuhan ay dapat nang magwakas.Na ang lahat ng mamamayang kabilang sa mga iba't ibang Lipi o Tribu ng Lahi,na nasa higit na 7000 pulo ng Bansang Kayumanggi ay mga Maharlika at di dapat maging alipin ng mga dayuhan o naghaharing uri! Samahan na ang layunin ay pagbuklorin ang mga maharlika.

        AWIT NG LAHING KAYUMANGGI

        Sa lupain pinagpala
        Sumibol ang isang maharlikang Lahi
        Mula sa mga lipi ng Bayang Kayumanggi
        Nananalaytay sa ugat ay Dugong Bayani

        Amin ipinagmamalaki/ikinararangal na kami'y Kayumanggi
        Dangal ang mapabilang sa kanilang uri
        Sa banal na ngalan ng mga Ninuno at Bayani
        Pangangalagaan ang Dangal ng Lahi

        At handang ialay maging itong buhay,kung kinakailangan,sa bayan kong minamahal
        Hinding hindi hahayaan kailan man na malugmok ang Inang Bayan!
        At handang ialay maging itong buhay,kung kinakailangan,sa bayan kong minamahal
        Hinding hindi lalamlam kailan man ang pagmamahal sa Inang Bayan!

        PAMBANSANG BAYANI: RAJAH LAPU-LAPU (AMA NG MGA BAYANI NG LAHI)

        ADHIKAIN: PAGKAISAHIN ANG LAHAT NG TRIBU O LIPI NA BUMUBUO NG MAHARLIKANG LAHING KAYUMANGGI,SA PAMAMAGITAN NG PAGHUBOG NG ISANG DIWA NG LAHI(IDEOLOHIYA),HALAW SA MGA ADHIKAIN NG MGA DAKILANG NINUNO AT BAYANI NG LAHI.DIWANG NAKAUGAT AT NAGMULA SA KALINANGAN AT MITHIIN NG LAHI.DIWANG NAKATUON SA KARAPATAN NG TAONG MABUHAY NA MALAYA, PAYAPA AT SAGANA.


        SA LARANGAN NG PAGGAWA AT INDUSTRIYA/KALAKALAN:

        Ang samahang TALIBA ay naniniwalang ang peyudalismong kalakaran sa Paggawa at Industriya/Kalakalan ay dapat ng mabago.

        Itinataguyod ng samahan ang pag-alis ng relasyong "amo" at "manggagawa". Kung saan, ang magbibigay ng kapital (capitalist)ay itinuturing na "panginoon" at ang "nagbibigay ng galing-paggawa" o "tagagawa" (labor/worker) ay naituturing na alipin.

        Panahon na na ang dalawang ito ay magturingang MAGKATUWANG at MAGKAPANTAY. Walang "amo" at walang "mababang manggagawa" (o "alipin").

        Maliban sa iilang sektor na nagbibigay serbisyo katumbas ng pera (pagganap ng propesyon o okupasyon, atbp), ang mga sektor ng industriya na gumagamit ng galing-paggawa ay dapat mabago. Kung saan ang kita ay dapat mahati batay sa kontribusyon ng bawat isa (magbibigay puhunan, sa isang banda, at mga manggagawa, sa kabilang banda) sa kinitang/ ganansyang pera.

        Panahon nang mabago ang pagtitinginan at turingan ng bawat isa (kapitalista at manggagawa) bilang magkatungali at pagkawala ng tiwala sa isa't isa (dulot ng sestema ng peyudalismong kalakaran umiiral).

        Panahon na na ang "mamumuhunan" at ang mga magbibigay ng "husay at galing paggawa" ay bigyan natin ng pagkakataong magugnayan batay sa tiwala at paggalang sa karapatan ng bawat isa.

        SA LARANGAN NG PAMAMAHALA NG BAYAN

        Isinusulong ng TALIBA ang pagtatatag ng mga pamahalaang lokal(local government)na binubuo, sasakop at mamamahala sa bawat tribu (indigenous communities). Sarili nilang pamahalaan lokal na kanilang patatakbuhin batay sa kanilang kalinangan/kultura at interes na naaayon sa kabuuhan at pinagsamang adhikain ng Bansang Kayumanggi.

      • Who I Want to Meet:

        "LINGUNIN AT BALIKAN ANG PINAGMULAN UPANG MARATING ANG NAIS TUNGUHAN! TULAD NG PUNLA NG PUNO NA MAHUSAY NA NAKABAON ANG MGA UGAT, UPANG LUMAKING MALUSOG AT MATAYOG, AROGA AT KUPKOP NG INANG LUPA."-TALIBA

        Mamamayan naniniwala sa mga sumusunod na adhikain:

        * "ANG PAGBUWAG SA EMPERYALISMO,
        SAMPU NG MGA TURO AT
        PANINIWALANG NAG-UUGAT DITO NA HINDI MAKATAO."

        * "PAGKAMIT NG TUNAY NA KALAYAAN!"

        * "MAHALIN, PALAGANAPIN AT PAGYAMANIN ANG PILING PANGUNAHING WIKA."

        * "PAGKILALA SA KARAPATAN NG MGA KATUTUBO SA MGA LUPAIN-NINUNO!"

        * "IPAGLABAN ANG KARAPATAN NG MGA KATUTUBO NA MAGKAROON NG SARILING PAGKAKAKILANLAN AT SARILING PAGPAPASYA!"

        * "IGALANG ANG KARAPATANG-PANTAO NG LAHAT!"

        *"PANTAY NA KATARUNGAN SA LAHAT!"

        Nais makadaupang palad ang mga Maharlika mula sa iba't ibang Lipi o Tribu ng Lahing Kayumanggi.Mga nagmamahal sa Bayang Kayumanggi, hangad ang pagbuo ng nagkakaisang Diwa ng Lahi (ideolohiya) at nagaasam ng tunay na pagbabago. Sinumang nais makadaupang palad ang Samahan.

        KANINO KA NAGLILINGKOD,KAIBIGAN? SA BUONG SAMBAYANAN O SA IILAN LAMANG? SURIIN ANG BUDHI!!!

      Testimonials and Comments for TALIBA

      • aleem_mohaymen
      • Posted
      • ito ang title ng vidio watch:SULU EID'L FITRI 2009 BOMBS
      • aleem_mohaymen
      • Posted
      • bro. alam mo ba kung bakit dumaan ang bagyong ondoy
        jan sa luzon
        dahil pinaparusahan kayo ng allah
        nong buwan ng eidl fitr
        sa jolo sulo pinag bubumbahan ang mga kapatid naming muslim doon
        maraming namatay sa pag bobomba at iniingatan ng gobyernong mabalitaan sa tv o radio pero
        hindi sila mananalo dahil ikakalat ang vidio ito sa buong mundo sa lugar na may muslim panoorin mo ang vidio
      • pie
      • Posted
      • Good Morning MySpace Comment
      • Alicia
      • Posted
      • Image and video hosting by TinyPic

        Image and video hosting by TinyPic

        Image and video hosting by TinyPic

        Image and video hosting by TinyPic

      TALIBA's 3D Scenes

      TALIBA's Endangered Species

      I'm supporting
      Sea Turtle
      About 250,000 loggerhead and leatherback sea turtles are accidentally caught and killed each year in fishing gear. Bycatch is an ongoing, worldwide issue; hundreds of thousands of marine turtles are caught annually in shrimp trawls, on long-line hooks and in illegal fishing nets. The illegal trade in turtle meat, shells and eggs is an ongoing threat to the survival of sea turtles.

      What endangered species are you supporting?

      TALIBA's Chat

      TALIBA's Minekey

      TALIBA's Guestbook

      TALIBA's imeem


      TALIBA's imeem


      TALIBA's Slide Shows

      TALIBA's Amazing Slideshows



      TALIBA's Media Box

      How you're connected:

      You TALIBA is in your extended network TALIBA

      TALIBA's Friends


      Featured Sponsor

      See results for TALIBA

      TALIBA's a Fan Of...

      TALIBA's Groups

      • TALIBA
      • 28 Members | Public group
      • Last post:
      • Tribute to the Dolphin
      • 64 Members | Public group
      • Last post: