"One must not putGODin his PRIORITIES, rather he must put GOD ABOVE ALL HIS PRIORITIES."
regular guy lang ako with extraordinary perception in life. medyo abnormal minsan pero deep inside seryoso akong nag-isip. di ako pihikang tao. kung ano yung meron, yun lang. sabi nila mayaman daw ako pero muka lang. marami akong alam sa computer; html codes, program defragment, program installation, cracking at marami pang iba.
di ako nakikibagay sa iba sa mga paniniwala ko. ayaw ko ng rallies. walang saysay kasi sa paningin ko ang pagpapababa sa isang corrupt government official lalo na at alam ko na corrupt din yung papalit dyan. di ako mahilig sa branded na mga gamit lalu na kung pangit din naman at madali ding masira. on the other hand, di ako bumibili ng fakes, imitations pwede pa. ok na sa akin yung stylish at maganda na may di kilalang tatak.
marami akong kaibigan pero namimili ako ng set. suplado daw ako. siguro nga, kasi ayaw ko ng napapaligiran ako ng masasamang tao. masama na nga ako eh, masama pa kasama ko? minsan di ako namamansin ng mga kakilala pero di ka-close lalo na kung sobrang kulit. naaalibadbaran ako ng kinukulit ako eh.
lovE? wala akong interes dyan. kasi alam ko na pwede namang mabuhay ng walang partner, ok na ko sa mga kaibigan ko. di din ako naniniwla sa destiny kasi wala namang tinuro sa tao yun kundi mag-antay. katamaran yun. "you make your destiny."
di ako bobo pero di rin ako genius. actually, vale ako at isa sa mga Ten outstanding students of makati(TOSM) nung high school. pero di ko basta-basta pinagsasabi yun. sinulat ko lang dito kasi alam ko na bihira ang magtitiyaga na magbasa nito. naniniwala kasi ako na "awards only prove what is done not what will happen." pati yung mga title naniniwala ako na "it is not something to be proud of, it is something to be proven." pero di ko naman sinasabi na ayaw ko nung mga yun. sayang kaya.
medyo tamad ako. di kasi ako basta-basta gumagawa ng isang bagay na di ko makuha ang logic ng paggawa nun o kaya di ko naman kailanan nung reason behind doing that thing. pero sa kabilang dako, i don't mind a lot of works kung i enjoy doing it o kaya alam ko na mahalaga yung purpose nito sa life ko.
mahilig nga pala ako matulog. sa tingin ko kiasi yun ang pinaka-makabuluhang gawain sa mundo. kasi sa pagtulog, nakakaalis ka sa realidad at nakakapunta sa ibang demensyon na likha ng isipan mo. sa ganitong paraan, natatakasan mo ang problema mo sa realidad. pero wag mong kakalimutan na may tinatawag na bangungot. dito, problem din ang hinaharap mo at pwede pang ikamatay.
sa totoo lang kahit di ako ganun makaDiyos, malaki takot ko dun at ayaw ko na may ibang tao na bumabtikos sa paraan ng pagsamba namin sa Kanya. Roman catholic ako at isa sa madalas na isyu sa religon namin eh yung mga rebulto namin. sa mga bumabatikos, para sa iyo to: ginagamit namin ang mga rebulto na parang pictue. di ba pag may gusto kang alalahanin e tinitignan mo yung pictures? kami ganun din. ang pinagkaiba lang e 3-d yung amin. di ba mas astig? regarding sa mga santo, binibigyang pagpapahalaga lang namin yung mga taong inialay ang buuhay para sa Panginoon. may masama ba dun? nakakpikon kayo para batikusin kami. bakit? binabatikos ba namin kayo? konting paggalang naman sa relihiyon...
sa pagkakaalam ko, napaka-influential kong tao. madalas, ako ang nasusunod sa group. di naman ako nanghahakot o namimilit pero open kasi lang siguro ako sa gusto ko. kaya malamang kung bossy ka or gusto mong nasusunod ka, ok pa din.
ako yung tipo ng tao na maraming regrets sa buhay. if i could just turn back time, everything would have been completely different. ewan ko pero sa tingin ko 80% ng nagawa ko mali. masyadong marami to bare for a regular person. pero iba lng siguro talaga ako, matibay ba. haha! kaya good luck kung gusto mo akong patumbahin. a life time is not enough.
Life is just a continuous process of falling and standing. once you refuse to stand-up, you simply end the process and life it self.
Who I Want to Meet:
i don't care who the heck you are basta may pinagsamahan tayo at nasa iisang environment tayo, kahit iba ang paniniwala mo at state of living ok ka sa akin.
pero babala. kung umpisa pa lang wag kang feeling close. mabait lang talaga ako sa mga nakapaligid sa akin pero lumalayo din ako kung masyado kang makapit at abosado.
pero basta mapagkakatiwalaan ka at masarap kasama ok ka na.
hahahahahaha
kasama sa paglaki yan
hahahahahaha
kasama sa paglaki yan
Nicknames Graphic Comments
**bantot**
haha joke.