Laki sa hirap ang batang Jejomar. Ang kanyang pamilya'y mula sa mahirap na komunidad sa Pasay at Makati. Noon pa man, malinaw na kay Jojo Binay na kailangang mangibabaw ang kapangyarihan ng taumbayan upang makaahon sa kahirapan. Pinamahalaan ni Jojo ang Makati nang may pinakamataas na kalidad ng paglilingkod bilang Mayor. Pinagbuti niya ang gawain ayon sa prinsipyong "pangunahing karapatan ng taumbayan ang magkaroon ng isang mabuting pamahalaan."
Ipinanganak si Jojo noong noong Nobyembre 11, 1942, kina Diego Binay ng Bauan, Batangas at Lourdes Cabauatan ng Cabagan, Isabela. Maagang naulila si Jojo at lumaki siya sa tiyuhin, si Ponciano.
Produkto si Jojo ng pampublikong paaralan. Bagamat kapos sa buhay, nagawa niyang magtapos ng Political Science (1962) at Law (1967) sa University of the Philippines, kung saan din naluklok siyang University Councilor ng UP Student Council. Upang mapahusay pa ang paglilingkod sa bayan at madagdagan ang kaalaman, kumuha si Jojo ng mga karagdagang pag-aaral at naging Senior Executive Fellow ng John F. Kennedy School of Government sa Harvard University.
Inihanda ni Jojo ang sarili na makiisa at mamuno sa mga martsa at barikada laban sa diktadura. Naging aktibong miyembro at lider si Jojo ng Free Legal Assistance Group (FLAG), ng August Twenty-One Movement (ATOM) at ng Movement of Attorneys for Brotherhood, Nationalism and Integrity (MABINI) - mga oganisasyong kinabibilangan din ng yumaong Sen. Jose Diokno, Sen. Rene Saguisag, Sen. Lorenzo Tanada, Bobbit Sanchez at Joker Arroyo.
Bukod sa hamon ng Makati, tinugunan din ni Jojo ang hamon ng Metro Manila. Hinirang siyang Governor ng Metro Manila noong 1987. Makalipas ang ilang taon, ang kanyang mga kapwa alkalde sa rehiyon ang bumoto sa kanya bilang Chairman ng Metro Manila Authority (MMA). Hinirang siyang Chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na may Cabinet rank noong 1998. Siya rin ang Co-Chairman ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC).
youre my idol Sir Binay..tinitingala ko po kayo since my elementary days in bangkal makati, wala ng makakapantay pa sa inyo dahil sa husay ng pamamalakad nyo sa Makati..may puso, at tapat na manilbihan sa kapwa..
wish you all the luck, happiness and good health always..God bless!
LFS, MWAB
MAY WE ALWAYS BE..
wish you all the luck, happiness and good health always..God bless!
idol ka kc namin dito sa makati....godbless 2l